Walang nakikitang mali si House Assistant Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Rowena Niña Taduran sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan prayoridad nito ang proseso nang maagang pagpapalaya sa mga bilanggong may edad na at mayroong karamdaman.
“It is within the powers of the President to pardon convicted criminals, in accordance with legal procedures. The President’s statement is con-sistent with what is practiced by civilized societies all over the world,” pagbibigay-diin ng ranking lady house official.
Ginawa ni Taduran ang pahayag bilang reaksiyon sa binitiwang pangako ni Pangulong Duterte na madadaliin nito ang paggagawad ng ‘pardon’ sa mga nakatatanda at mayroong sakit na preso dahil hindi naman na banta pa sa lipunan ang mga ito.
Paglilinaw ng party-list lawmaker, sa kabila ng litanya na ito ng Punong Ehekutibo ay daraan pa rin naman sa kaukulang proseso ang pagpapalaya sa naturang mga bilanggo.
Kaya naman hinimok din niya ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at Board of Pardons and Parole, na bilang silang magrerekomenda sa Malakanyang kung sinu-sino ang kuwalipikado para mapalaya ng maaga sa kulungan, ay gawin ng tama ang kanilang tungkulin.
This story was first published on Pilipino Mirror/Romeo R. Butuyan.